Noong nakaraang linggo lang, ipinalabas sa 100 days to heaven kung paano sisihin ng mag asawa si Madam Ana sa mga nangyari sa buhay nila. Una, sinisi nila si Madam Ana dahil nakunan ang babae, na kung tutuusin wala naman talagang kinalaman si Madam. Hindi naman kasi ipinaalam ng babae na buntis sya dahil natatakot sya. Sa simula't sapul alam nya na maselan sya kung magbuntis pero pinili nya pa rin makipagsapalaran. Anong kasalanan ni Madam Ana sa pagkakataong yon? Kung alam mo ng stress sau ang isang bagay at makakasama sau iwasan mo na dapat. Lalo na buhay ang nakasalalay.
Pangalawa, naghiwalay daw sila gawa ni Madam Ana. Sa relasyon wala namang dapat ibang sisishin. Kung mahal nyo ang isa't-isa walang madam ana ang makakapaghiwalay sa inyo. Kinalaunan, napag-alaman na hindi handa ang dalawa sa buhay may asawa. Naniniwala ako na labas na ang ibang tao sa isang relasyon. Kung may nanggugulo sa inyong relasyon kelangan nyo magpakatagatag kasi responsibilidad nyo ang isa't isa at responsibilidad nyo na panatilihing matatag ang relasyon nyo kahit ilang Madam ana pa ang dumating sa buhay nyo.
Pangatlo, naging taong grasa ang babae dahil sa kalupitan ni Madam Ana. Oo nmn, hindi biro ang mga nangyari sa kanila. Sino bang hindi mababaliw. At hindi natin masisisi ang isang tao kung naging mahina sya sa mga pagsubok. Lahat tayo minsan gusto nalang mabaliw para wala na tayong maramdaman na sakit. Pero sana wag naman sisisihin kay Madam Ana lahat yong kamalasan nya. Hindi naman kasalanan ni Madam Ana kung ang napangasawa nya ay duwag at hindi matatag na sandalan.
Sa buhay may mga pagsubok. Si Madam ana ay isang napakalaking pagsubok sa buhay ng mga taong nakapalibot sa kanya na dapat ay nagpapatatag sa kanila. Pero kabaligtaran ang nangyari, imbes na maging matatag at matuto ang mga tao naging mahina sila at naunahan sila ng galit. (Unang Opinyon ko tungkol dito.)
Ngayong gabi, may sisihan na naman. Sinisisi ng isang tao na kaya sila nalugmok sa kahirapan ay dahil hindi binili ni Madam Ana ang master piece nila?!? Negosyo nga di ba? bakit nila kelangan sisihin si Madam Ana sa lahat ng kamalasan sa mundo? Oo, kelangan nila ang pera kaya nila binenta ang master piece, bakit kelangan ba ang tulong sapilitan? At pag di tayo tinulungan ng tao na may kakayahang tumulong e pwde na tayong magalit? ang saya naman non di ba... Sana pumunta sila sa ibang toy company, baka may iba pang tao na pwdeng magtiwala sa sinasabi nilang master piece. Hindi rin naman magiging master piece at nag click yon sa masa kung hindi magaling si Madam Ana di ba? Kuha mo? Pag may product ba ako at hindi mo binili, pwde na pala akong magalit. So kelangan mo bumili kung ayaw mong gumanti ako sau? makuha ka sa tingin! ganon ba yon?
Hay, stress ka!
Tayo ba e talagang pinalaki na manisisi ng kapwa natin tao. Na kelangan may ibang taong managot sa mga nangyayari sa buhay natin? Di ba kelangan marunong tayong tumanggap ng pagkatalo, at tumayo ng walang sinisisi. Hindi naman sa lahat ng oras pabor ang tadhana sa atin.
Kawawang Madam Ana, nagkataon na magaling at madiskarte lang sya sa buhay. Nagkataong sya ang nanalo...kaya yan lahat ng paninisi sa kanya na...ikaw na Madam ang magaling. Lahat na iyo, kahit ang sisi. hehe
Sana nakasalubong ko pala si Madam Ana sa kalye, tapos sininghalan nya ako para may rason akong sisihin na minalas ako dahil mataray sya at inapi nya ako :)
Maging responsable tayo sa mga nangyayari sa buhay natin, kung bumagsak man tayo kelangan natin bumangon. Hindi tayo bumagsak dahil may nagtagumpay. Hindi tayo gaganda kung tatabi lang tayo sa isang pangit. Hindi tayo malas dahil may taong sinuwerte sa buhay.
Kung bumagsak tayo, pag isipan natin kung saan tayo nag kamali, dagdag pa nang konting effort,bumangon tayo.
Nong nag aaral pa ako, laging kong sinisisi si prof na terorista kung bakit ako bumabagsak. Nong huli naisip ko kahit naman terorista si titser kung magaling ako hindi ako babagsak e. Kung nag aaral ako at sapat ang oras na binibigay ko sa pag aaral makakapasa ako, wala yon sa ibang tao.
Kaya wag na tayong manisi ng kapwa natin. Bangon na lang tayo! kaya natin lahat ng pagsubok na walang sinisisi at walang binabalikan. Kung babalikan man natin sila, yon ay para pasalamatan sila sa pang aapi dahil kung hindi nila tayo inapi hindi tayo magsisikap na magtagumpay.
P.S.
Alam ko naman ang salitang "Pagkakataon lang ang kelangan ko para magtagumpay". Minsan yon lang naman talaga ang kelangan natin, ang Chance para maipakitang magaling tayo. Pero sa pagkakataong ito, paninisi sa kapwa ang nakikita ko kaya ito ang nasulat ko. Saka ko na ipagtatanggol ang "Chance lang kelangan ko" at "pinagkaitan ako ng pagkakataon kaya medyo miserable ang buhay ko".
Hindi ako makarelate sa 100 Days TO Heaven. Ako lang yata ang nag-iisang tao sa Pilipinas na hindi nanonood nyan. haha.. sorry, loser lang. :D
ReplyDeleteTama.. bakit ba tayo naninisi ng ibang tao? Bakit... kasi mas madaling ibunton ang sisi sa ibang tao kesa sa ating sarili. Mahirap kasing aminin na nagkamali o nakagawa ng kasalanan.. kaya ang ginagawa na lang natin, maghahanap tayo ng scapegoat.
Pero sa totoo lang naman, tayo ang responsable sa ating mga ginagawa. Kung ano man ang resulta, yun ay dahil sa kung ano ang ating ginawa. An action creates an equal reaction. Simpleng logic.. pero bakit nga ba ang hirap intindihin?
Kung ano ang ating tinatanim, yun din ang aanihin, diba? So kung tamad kang mag-aral, malamang bagsak ka. Kung nagbreak kayo ng bf mo, malamang merong pagkukulang, hindi lang sa kanya, kundi sayo rin.
Walang taong perpekto. Lahat nagkakamali.. lahat nadadapa. Ang importante lang naman eh marunong tayong bumangon at magsimulang muli.
WHOOOAA!!! haha.. napahaba ang comment ko. Toinks!
Gandang morning!
hahaha hi leah! partida ka pa nyan ha di mo sinusubaybayan pero haba ng comment mo... sinusubaybayan ko yan kasi gusto ko makita ang point nila sa pagpapabalik kay Madam Ana sa lupa... haha naintriga ako e ako lang yta ang taong kumakampi at naniniwalang mabait sya...
ReplyDeletehay tama ka, sarap talaga manisi ng kapwa tao... minsan sa sarili ko e di ko maiwan din manisi. pero kung iisipin mo mabuti ikw din nmn lugi kasi pag di mo natanggap pag kakamali mo di mo rin 'to babaguhin... walang mangyayari.
:) salamat sa pagdaan
hahahaha, nako nahiya ako magcomment dahila ng hahaba ng mga comment dito pero ang totoo medyo favorite ko rin ang ang 100 days to heaven. kaya far sa totoong buhay.. wala tayong 2nd chance para maiaayos ang mga mali natin kaya dapat habang mahaba ang oras natin, ayusin na natin ang mga pagkakamali na angawa natin dito sa mundo. kuha mo? ^_^
ReplyDeletehahaha kuha ko un!
ReplyDeletemaganda ang message ngaung gabi... healing, moving on, tska pagpapatawad sa buhay...
tamaaaaah! hindi tayo dapat maging bitter at laging sisi nang sisi sa iba! tsk... heheh...daan lang po...
ReplyDelete--follow u, follow me--
ay?!
nice umaapaw ang opinyon hehe dko masyado nasusubaybayan yan pero dapat lang na marunong tayong tumayo sa sariling paa at bumangon kung nadadapa, maraming opportunity sa paligid minsan di lang natin napapansin.
ReplyDeletedi ko din everyday nafollow ung story but i knwo how the story goes :)
ReplyDeleteI totally agree with you..
Blame the world for your sucking life when you've had had all the opportunities to make it better? lol..
nagtataka ako kung bakit di ka ata nagaupdate ng blog..un pala I forgot to click the follow button last time I was here..lol :) It's done! :)
haha kuhang-kuha kita Tim! Enjoy 'tong post mo! Halika, pagsabihan natin yung writer ng show! hihi
ReplyDeleteNung unahindi ko type panoorin ang 100 days pero hindi rin nagtagal nagustuhan ko ang 100 days. :)
ReplyDeletebtw, I am your new follower hope you visit and follow my page.
jewelclicks.blogspot.com