Hawak ko ngayon ang aklat ng buhay ko at sa aking pag-iisa, isa isa kong binuklat at binalikan ang bawat pahina. Ang pagkakatanda ko pa ako mismo ang nagsulat ng kwentong akala ko'y naging masaya, naging malungkot, naging magulo. Hindi ko mahanap ang parte ng buhay ko na iyon.
Hindi ko mahanap ang pahina kung saan ako nagsimula, hindi ko tuloy masundan ang takbo ng istorya. Mali ba ang naisulat ko? Mali ba ang nagawa kong kwento?
Kung nagkamali man ako, mabubura ko pa kaya ang naisulat ko at palitan para sumang ayon ito sa inaakala kong kwento ng buhay ko? Imihinasyon, walang katotohanan o sadya bang pilit kong tinatalikuran ang aking nakaraan?
Madalas kong mabanggit sa ibang tao "balang araw, magiging tama din ang maling maling mga nagawa ko tanggap ko lahat sa buhay ko". Hindi ko alam kung saan nanggaling at bakit ko nasasabi ang isang paniniwala na hindi ko pa naman lubusang naiintindihan.
Isang pahina na lang ang hindi ko pa nasusulatan. Sana sa pagkakataong 'to makasulat ako ng isang magandang kwento. Ang kwentong maipagmamalaki at maibabahagi ko balang araw.
No comments:
Post a Comment