May 2, 2011

Sir, Customer ka lang dito! Teritoryo namin to..


Sa init ngayon di ka na magtataka kung bakit sumasabay ang mood ng mga tao sa panahon. Nagkalat ang mga mukhang pagod, mukhang may sakit, mukhang hindi maipinta. Ramdam ang init ng tag-araw kahit nasa loob ka ng isang air-conitoned mall.

Pero  may alam akong lugar kung saan walang pinipiling panahon ang mga tao. Isang mall na itinayo sa Aklan kelan lang. Dito, suwerte ka na kung ang mga nagtatrabaho na makakasalamuha mo ay alam ang pinag kaiba ng customer at empleyado.

Alas dose impunto, oras ng pananghalian. Kumain kami ng nanay ko sa loob ng isang mall. Hindi naman kami choosy mag ina kaya wag na sana kayong magtaka kung pinili naming kumain sa isang Batchoyan. Deadma sa amin ang panahon, ang mahalaga masarap ang kinakain.

Iilan lang kaming andon at sabihin na nating malakas ang loob na kumain at humigop ng mainit na sabaw sa kalagitnaan ng matinding sikat ng araw. Sa kabilang mesa, may isa pang matapang na nilalang, isang matandang lalaki na halatang uugod ugod na at ang tanging katabi nya ay ang kanyang tungkod.

Aksidenting nasagi ng matanda ang baso na may lamang tubig. Inaasahan ko, gaya ng inaasahan ng nakakrami na lalapitan sya ng waiter para tulungan at asikasuhin. Yon naman talaga ang dapat di ba? Pero asahan na natin ang mga bagay na hindi inaasahan. Isang napakasamang titig lang ang ginawa ng waiter sa matanda at tinalikuran din ito habang ang matanda hindi malaman kung ano pa ang pwde nyang gawin bukod sa pagpunas ng mesa gamit ang basang basa nang tisyu paper. Si Madam Manager? nagreretouch pa po sa counter, deadma lang. hindi mo aakalain na may mga empleyadong gaya nila ang isang sikat na kainan sa Visayas.

Ilang minuto pa ang lumipas ng binalikan sya ng waiter at padabog na kinuha ang mga kubyertos at pinunasan ang basang mesa habang sya ay nakasimangot. Hindi naman kagandahan si ate, hindi naman siguro sya apo ng matandang yon at kung umasta sya ay halos pinapagalita na nya ang matanda. Sana naman hindi pa nya nakakalimutan ang job description nya. Nasaan na ba ang customer is always right? Kung wala na yon, saan na lang ang pakikipagkapwa natin? Ang pag galang sa mga matatanda?
Si lolo, malungkot na lumabas. Si ate? tumayo sa isang tabi at sinabayan ang sound system nila sa pagkanta na parang hindi nya alam kung ano ang ginawa nya sa matanda. Nasa mukha nya ang pagiging inosente.

Sa grocery naman, hindi ka sisimangot dahil sa init ng panahon. Isang binatang lalaki ang naghahanap ng supervisor dahil ang cashier sa kung saan sya nakapila ay nawawala ng ilang minuto na. "Miss, pwede bang makausap ang supervisor nyo?" ang dalawang cashier sa kabilang counter ay pansamantalang natigilan sa pinag uusapan nilang royal wedding "Sir wala e, pakihintay na lang, andyan lang yan sa tabi-tabi", ang sabi ng isa sabay hagikhik na tila kinikilig pa rin sa pinag uusapang kasal. San ka nga ba naman nakakita ng isang saleslady na nagtsitsismisan sa gitna ng trabaho at magsasabing wala silang supervisor. Nang mag walk-out na ang customer dahil hindi pa rin bumabalik ang cashier, at gawa na rin siguro ng galit at pagkapahiya sa inaasta ng ibang mga cashier. Nang makalayo na sya, nagtawanan ang iba pang mga pang empleyado na tila ba tuwang tuwa pa sila na may nag walk out si kuya. Oo naman, talo ang pikon di ba?

Mas nagulat ako ng bumalik ang cashier sa pwesto nya. Tuwang tuwa na binalitaan sya ng kasamahan nya na may isang customer na nagalit habang wala sya. Hindi man lang ba nila naisip na may iba pang customer na nakikinig sa kanila. Tumigil lang sya sa pakikipagdaldalan ng ang isang babae ay nagalit sa kanya "miss pwede bang unahin mo yang ginagawa mo bago ka makikipagkwentuhan". Ng makaalis ang babae, nagtawanan na naman silang lahat. Tuwang tuwa talga sila na inisin ang mga customers. Kaya kayo, kung sakaling maligaw kayo sa grocery store na yon, good luck kapag napikon ka kasi pagtatawanan ka lang nila.

Sa department store, wag ka nang magulat kapag ang saleslady ay nagsalita ng "mahal po yan, baka hindi nyo kayang bayaran"  or "bibili po ba kayo kasi kung hindi baka masira nyo lang yan" o di nmn kaya wag kang magulat kung sa paglilibot mo may mga nakaupong mga saleslady at nagtatago sa tabi habang nakatunganga lang, meron din namang sosyal na mga saleslady na sama sama sa isang lugar nagtatawanan, nagkukwentuhan, naglalambingan. Wag ka na ring mainis kung  pagkatapos mo na pakiusapan sila na e-assisst ka sa bibilhin mo ay makakarinig ka ng "Neng, pa assist mo nga dito, tinatamad ako eh!" habang tinatawag nila ang ibang kasamahan.



Sa grocery pa din, ang sabi sa'kin ng isang empleyado habang naghahanap ako ng maiinom "miss, bili ka ng C2 para kay baby" at biglang nagtawanan. Hindi ko alam kung sa grocey ba talaga ako pumasok o sa isang kanto ng palengke kung saan may mga naliligaw na lasing. Hindi ba pinagbabawal ang mga lasing na pumasok sa trabaho? dapat siguro pati mga asal lasing ipagbawal na rin.

Sa baggage counter, andon naman nakapwesto si kuya na hindi alam ang mga salitang "fall in line". Pagagalitan ka pa kung pinagmadali mo sya. Huwag nyo nga naman syang madaliin at natataranta sya. mghintay kayo noh! kasi busy sya sa dami ng nagpapaiwan ng mga gamit. Kung magagalit ka isang masakit na titig at kamot sa ulo ang matatanggap mo mula sa kanya. Wala syang kwentang kaaway!Kaya cool ka lang.

Minsan naisip ko, teritoryo nila yon, at magagawa nila ang gusto nila. Hindi uso ang Sir at Ma'am, minsan sila pa ang tatawagin mong sir or mam para pansinin ka nila.

Wag ka na ring maghanap ng supervisor, manager at kung sino man dyan ang naiisip mong ipatawag kasi hindi nila alam na meron silang ganon.


2 comments:

  1. Maligayang araw sayo kaibigan! Halos walong buwan simula ng matisod ako sa blog mo at ngayon ko lang rin nabasa ang sagot mo. ^_^ Sa aking napuna, sa mga buwang nakaraan mukhang ang daming nagbago. Mga pagbabago na maaring ikinagulat ng marami. Pero sa kabilang banda, ang nakikita ko ay ang isang pagbabago, isang napakasaya at napakagandang pagbabago...

    Binabati kita kaibigan sa pagkakaroon ng pinakamahalagang regalo mula sa itaas. ^_^ Alam ko, isa sya sa mga napakaswerteng bata dahil sa pagkakaroon ng isang matapang at responsableng ina. Batid nating lahat na hindi madali ang pag-ako sa isang responsibilidad, pero nakikita ko ang larawan ng isang masaya, matiwasay at nagkakunawaan na pamilya...

    Unahan na kita sa pagbati ng "Maligayang Araw ng Mga Ina!" at aabutin na naman ako ng ilang buwan sa pagpapakadalubhasa sa sining ng pagtulog...

    Saludo ako sa'yo kaibigan! Isang tasa ng kapeng barako para sa'yo kaibigan!

    ReplyDelete
  2. walong buwan mo na pala akong pinag isip kung sino ang isang makata na nag iwan ng komento sa blog ko...:)
    Cheers sa Kapeng Barako... goodluck na rin sa pagpapakadalubhasa mo...

    ReplyDelete

Search This Blog

Born to Rant

happy (34) Med life (29) hope (29) struggle (25) realization (24) bored (23) love (21) relationship (20) sad (20) friends (19) hate (19) pain (18) disappointment (17) pregnant (17) baby (16) empty (16) choice (15) lost (15) moving on (15) home (14) searching (14) plan (12) family (11) fear (11) fraternity (10) letter (10) tired (10) writing (10) Confuse (9) Failure (9) bum (9) freedom (9) frustration (9) missing you (9) work (9) blog (8) funny (8) letting go (8) prayer (8) time travel (8) travel (8) drawing (7) facebook (7) responsibility (7) silence (7) trust (7) unfaithful (7) Memory (6) Rain (6) belief (6) distracted (6) expectations (6) medicine (6) Lazy (5) Regret (5) U.P. Miag-ao (5) acceptance (5) becoming a doctor (5) crazy (5) food (5) Aklan (4) MD Mom (4) TOP TEN THINGS (4) alone (4) break-ups (4) destiny (4) misunderstood (4) success (4) truth (4) unfair (4) Gossip (3) birthday (3) coffee (3) dream (3) dreams (3) envy (3) mad (3) personality (3) pretend (3) promises (3) puzzle (3) regrets (3) 100 days to heaven (2) affair (2) annoyed (2) anotherday (2) christmas (2) contentment (2) death (2) forgiveness (2) friends zone (2) guilt (2) insomnia (2) laughter (2) lover (2) numb (2) phone calls (2) poem (2) positive (2) pursue (2) rant (2) Father's day (1) Leech (1) Mother (1) Vigan City (1) Working mom (1) age (1) breakfast (1) clerkship (1) color (1) driver (1) emoticon (1) friends with benefit (1) graduation (1) lesson (1) lie (1) make-up (1) monday madness (1) mondaymadness (1) monthsary (1) new year (1) office (1) pictorial (1) poker face (1) poor service (1) pressure (1) prophecy (1) puting elepante (1) rejection (1) ring (1) rubix cube (1) sacrifice (1) shopping (1) stay-at-home-mom (1) studio (1) summer (1) thanks (1) tide wave (1) yosi (1)