Alas dos y media ng madaling araw. Sana man lang ay may kape...
*buntong hininga*
*bumangon mula sa pagkakahiga*
*Sinara ang bintana*
*isa pang buntong hininga*
*buntong hininga*
*bumangon mula sa pagkakahiga*
*Sinara ang bintana*
*isa pang buntong hininga*
Bumuhos ang napakalakas na ulan na para bang wala ng bukas. Bigla kong naisip si "Chedeng" ang bagyong inaasahan at pinaghahandaan ng nakakarami "Andito na kaya sya?". Perosa kabilang banda "Di pala ako sigurado kung kasama sa itinerary nya ang pagdaan dito sa lugar namin".
*buntong hininga*
*bumalik sa pagkakahiga*
*Niyakap ang unan*
*pinakinggan ang ulan*
*isa pang buntong hininga habang nakatitig sa nakasarang bintana*
*bumalik sa pagkakahiga*
*Niyakap ang unan*
*pinakinggan ang ulan*
*isa pang buntong hininga habang nakatitig sa nakasarang bintana*
Ang bawat patak ng ulan
ay onti-onting nagbukas sa isang pinto kung saan nakahimlay
lahat ng mga bagay na pilit kong isinantabi... mga bagay na alam ko sa sarili ko ay nakatakda naman naa maging bahagi na ng aking buhay. Mga pagbabago...
*buntong hininga*
Patuloy ang pagbuhos ng ulan... dumagsa ang mga katanungang paulit-ulit kong itinatanong sa aking sarili sa kagustuhan ko na sana ay mabago ang sagot.
*Isa pang buntong hininga*
Tuluyan na ngang nabasag ang katahimikan...
Source: behance.net via Cristy on Pinterest
No comments:
Post a Comment