Katahimikan na sadyang nakakabingi ang bumabalot sa gabi kong matamlay.
Sana man lang makarinig ako ng kuliglig para maramdaman ko na may buhay sa aking paligid.
Tatlong oras akong nakahiga sa isang higaang niluma na ng panahon,
Dinalaw man ako ng antok, sadyang may misteryo ang katahimikang bumalot.
Minabuti kong bumangon, binuksan ang bintana para damhin ang simo'y ng hangin...
Buwan na rin ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob
upang buksan ang isang bintanang pilit kong ikinubli sa likod ng kurtinang di man lang napalitan.
Sa bintana kung saan ako sumisilip upang tingnan kung ikaw ang lulan ng sasakyang duamaan...
kung saan mismo ako dumudungaw para ihatid ka ng tingin papalayo.
Nakakatuwa, nakakalungkot, nakakaiyak.
Nakakatuwa, nakakalungkot, nakakaiyak.
Kakatapos lang ng ulan kaya ramdam ko pa ang lamig ng simoy ng hangin....
Ulan nga ba ang naging dahilan?
O sadyang may dala lang talaga ang hangin ng isang mensahe ng kalungkutan galing sa kung saan.
Di ko man mawari...
My mga pangyayaring di ko maintindihan kahit pilit kong inuunuwa.
Misteryong pilit kung tinutuklas
mga katanungan na hinahapan ng kasagutan
Yosi lang at ako ang nandito
at rinig ko ang katahimikan.
Yosi ang tangi kong nakakasama
pag wala na ang liwanag, wala na ang ingay, wala na ang antok...
Yosi ang makakabatid ng lahat ng pangyayari...
kasabay kong makikinig sa ingay...
na habang tumatagal ay nagiging musika na rin sa aking pandinig...
pakiwari ko ay matatapos ang gabing ito na ako'y hihigang nakangiti...
napapansin ko na ang usok, sumasayaw at sumasabay sa tugtog...
pakiramdam ko ay dinuduyan na rin ako ng musikang aking pinakahihintay...
Yosi...