"Alam mo ba kung bakit may white elephant dyan?" tanong nya sakin habang tinuturo ang isang larawan ng mag-inang elepante na nakapicture frame. Napalingon naman ako para lang tingnan kahit parang ayaw ko ng sakyan ang mga analogy nya, di na ako interesadong malaman pa. Ngangalahating oras na rin kasi akong nakaupo sa loob ng opisina nya. Pakialam ko naman kasi sa elepanteng yan, oo maganda ang frame at aristic ang larawan, mother and child elephant version kaya ang tinutukoy nya? a hindi ko alam. Sasagot sana akong "SB" ba yan, pero for sure di naman nya gets un.
|
"sana white elephant na lang ako" |
Pero di nagtagal dahil sa sobrang tahimik sa loob ng maliit na opisinang yon, tinanong ko na rin sya kung bakit may puting elepante sa opisina nya.
"Yan, para lang project ng gobyerno natin yan".
Ah naisip ko, baka galing sa politika, pero bakit picture frame lang? Grabe, ang babaw ko na talaga mag isip, naramdaman ko talaga ang kababawan ko sa mga oras na yon. Parang ang bigat bigat ng ulo ko at napapatungo na lang ako, utak ko ba ung mabigat?... panay hangin na utak. Hangin gustong sumingaw, may namumuong pressure. Butasan ko kaya ulo ko. Hay, daming kabaliwan naiisip ko. Mga walang kwentang bagay sa mundo ang bumibisita sa utak ko. Mabalik tayo, marami naman akong nakikitang furniture na elephant sa mga bahay-bahay, siguro Good luck yan ni doc d2 sa office nya! ayon! isa pang kababawan yon, biru mo at naiisip ko mga ganong bagay.
"Wala namang white elephant, di ba?", dagdag pa nya. Oo nga ano, natauhan ako sa follow up question nya, mukhang seryoso siya sa gusto nyang sabihin sa akin. Handa naman akong makinig, parang ayaw ko na ngang lumabas ng opisinang yon, di ko na din kasi alam kung saan ako pupunta pagkatapos ng pag-uusap na namin.
"kasi parang proyekto ng gobyerno yan, WALANG LAMAN, PAKITANG TAO LANG YAN". Ang nasabi ko lang "Sana elephant na lang ako". At sumang ayon naman sya sa hinangad ko, tumango lang sya.
Katahimikan. nakakabining katahimikan habang nakikita ko ang mga kaklase ko na nagtatawan sa labas ng silid na yon. Ang galing nga e, wala akong naririnig na kahit ano, nabingi na yta ako sa pangyayari.
"Alam mo, pareho tau, nakikita ko nga ang sarili ko sau e... balang araw alam ko magiging ikaw ung ako ngayon kasi ako noon? parang ikaw ngayon!. tawa lang ako sa sinabi nya pero sa totoo lang naninikip na ang dibdib ko at gusto ko ng sumabog. Luha lang at ngiti ang naibabalik ko sa kanya.
"Kaya nga isipin mo ang elepanteng yan, tingnan mo ako... nagagawa ko lahat ng gusto ko ngayon dahil ginawa ko na parang elepante ang buhay ko". di ko napigilan ang luha ko sa sinabi nya sa akin."hindi naman ako to e, di ko to gusto, may iba akong gusto kala mo ba".
Buntong hininga. Papayat na ako sa kakabuntong hininga ko.
Kung tutuusin, tama naman. May point sya sa sinabi nya, isa nga lang itong malaking contradiction sa paniniwala ko na mararamdaman mo ang isang tagumpay kapag ang ginagawa mo ay gusto mo. Pagiging praktikal na nga lang ba ang laban ngayon? naguguluhan ako sa gusto kong paniwalaan at dapat kong paniwalaan. Pakiramdam ko humihina na ang kakayahan ko na ipaglaban ang paniniwala ko sa buhay. Nagiging marupok na nga ako. Parang gusto ko na rin paniwalaan ang paniniwala ng ibang tao, mukhang masaya at matagumpay naman yta.
Di ko alam anong puwede kung maramdaman. Matatawa ba ako sa sinabi nya? matutuwa ba ako kasi alam ko na hindi ako nag iisa sa nararamdaman ko? malulungkot ba ako kasi umabot pa sa ganito ang pag uusap namin.
Tahimik lang akong umiiyak sa isang tabi habang siya seryoso nya akong tinititigan at nagkukwento tungkol sa buhay mula ng pumasok sya sa isang med kahit hindi nya gusto, nag negosyo pagkatapos, naisipang magturo, at ngaun kaharap ko na bilang isang Executive Dean namin sa College of Medicine. Ang layo ng narating nya no? pero hindi nya gusto ang sinimulan nya.
At oo, tama siya. wala nga kaming pinagkaiba. May mga bagay na ayaw mo na sanang ipagpatuloy, pagod ka na, gusto mo ng magsuka, masakit na sa ulo, pero makikita mo nalang sarili mo na pumipilit bumangon sa higaan isang umaga kasi wala ka ng choice, andyan ka na e. pero minsan makikita mo din sarili mo na nag eexcel sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Isang beses lang akong lumapit sa kanya para sabihing di ko alam kung bakit ako nandito sa Med skul na to. natawa lang sya noon, pati ako natawa lang din sa sinabi ko. Alam pala nya kung anong nararamdaman ko.
naikwento pa nya sa akin na natutuwa sya noong 1st 2 years ko perpetual. gusto kung sabihin sa kanya na kahit ako natutuwa noon. ngunit napahagulhol na lang ako ng sinabi nyang...
"parang biglaan naging isa kang pagong, nakikita kita e... gusto ko nga magtanong kaso di ka naman lumalapit kung anong problema, bigla ka na lang tumago sa shell mo at di ko na nakita ang dating ikaw".
Haiz, gusto ko talaga sanang matawa sa mga analogy nya, pero sa halip naiyak na lang ako. ganon na pala ka transparent ang buhay ko?. Kahit ang isang busy na tao na kagaya nya e napansin pa yon. Kung tutuusin yan ang innisip ko ilang araw na, parang missing link sa buhay ko ang pagiging 3rd year sa medicine. Di ko alam ang nangyari, di ko namalayan na tapos na pala ang taon, di ko alam na March na pala ngaun. Di ko alam. Di ko talaga alam. Gusto ko noong magpanic bakit March na pala... mukhang na i-blog ko pa nga yon. Totoo naman kasi, literal akong naalarma.
"Alam mo ba na gusto kung yanigin ang mundo mo para matauhan ka". Galit. sa pagkakataong ito, galit ang nanaig sa akin, bakit sino ka ba, Diyos ka ba para yumanig ng isang mundo. pero di ko talaga alam kung kanino ako magagalit. sa sarili? sa kanila? sa'yo?
Luha pa rin ang sagot ko sa mga sinasabi nya. nawalan na ako ng lakas ng loob para magsalita pa. Nakakaramdam na ako na lahat ng tao sa paligid ko ay niyayanig ang mundo ko.
Sa mga oras na yon, gusto ko makapag isp kung bakit, kung ano bang nagawa ko, kung anong klaseng tao ako. Tumayo ako, nagpaalam, umuwi, umiyak, at heto na ako, nagkwento ng araw ko.
Nagpapasalamat na lang ako na kahit papano, pagiging white elephant man o hindi, may nakakarelate sa nararamdaman ko.
PS
pag may nakita kayong isda sa opisina nya balang araw, ako daw yon.
Di ko masyado na-gets kung pano ako naging isda at kung bakit nya nasabing gusto nya akong ilagay sa isang maliit na fish bowl. :) Nag explain naman sya, di ko lang na digest.
Tawa na lang, lurkey na ako e...