April 8, 2011

"Singsing"



Minsan sa isang mall sa Quezon City: 

Friend: ang ganda ng singsing, kelan pa kaya ako mabibigyan ng ganyan?

Ako: Ano ka ba, ba't ka nangangarap magkasingsing? Iba na ang panahon ngayon.

Friend: Bitter ka pa rin hanggang ngayon?!?

Ako: Hindi sa ganon, pero nakita mo yang nakadisplay na yan? 3 pirasong singsing... kung saka sakaling mapapasayo yan e di isa sayo... isa sa mapapangasawa mo...at isa para sa isa pa nyang mahal! Nakakaloka ka! Mabuti pa ang shop na to, alam ang mga nangyayari sa mundo.

Saleslady: ay hindi po, design lang po talaga namin yan...(sabay kuha sa isang singsing)
Joke ko lang dapat yon, si ate naman defensive lang talaga :)


Pambihira. 

Madami akong gustong sabihin, madami akong pinapaniwalaan at kanina lang sabi ko sa sarili ko hindi ako iimik. Deadma lang kasi korny...kasi mababaw ang naiisip ko sa araw na 'to...

Pero kita mo naman, "tao lang din ako" at may blog site ako noh :)

Sabi ng lola ko (kasi sa totoong buhay ay di ko matandaan kung sino talaga ang nagsabi sakin) or sabi nga ng bida sa isang pelikula (over!), kung mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para sa kanya, ipaglalaban mo sya hanggang sa huli, at higit sa lahat hihintayin mo kahit gaano pa sya katagal bumalik. Sipag at tiyaga lang naman ang kailangan mo para magtagumpay ka sa lahat ng mga pinapangarap mo buhay. At syempre pa tayong mga pilipino ay naniniwala sa kasabihang "habang may buhay, may pag-asa".

Kaya ako, hindi ako magtataka kung balang araw mababalitaan ko na lang na nagkabalikan na ang taong mahal mo at ang dati nyang karelasyon lalong lalo na kung determinado ang isa sa kanila.

Hindi mo alam kung anong mangyayari bukas. Hindi mo alam na sa mga oras na to nagbunga na pala ang sipag at tyaga nya. Hindi mo alam na habang nagsusulat ako d2 dumating na pala ang hinihintay nya. Malay mo naman kasi sa pwedeng mangyari sa buhay mo. 

Hay naku. Kanya-kanyang gawa ng eksena. Kaya ikaw, Huwag kang magagalit kapag mangyayari sayo ang mga sinasabi ko ngayon kasi may moment ka din--pwdeng ikaw 'yong taong hinihintay, pwede din namang ikaw 'yong aasa. Depende lang.
 
Iilan lang ba ang nabubuhay ng tapat dito sa mundo para sabihin sa'yo ng harap harapan na nagbago na ang ihip ng hangin at hindi na ikaw ang taong mahal nila?... na hindi lang pala ikaw ang nag iisang minamahal nya. 

Kadalasan kelangan mo pang mag research or maging tsismosa para hindi ka mahuhuli sa balita. Todo effort lang lagi.

Ilang tapat na tao na ba ang nakilala ko?
sabi ng isa "mag enjoy lang tayo ngayon kasi malay mo bukas hindi na natin kasama ang isa't-isa, hindi naman natin masisisi ang tadhana kung may makikilala pa tayong higit sa atin" 
sabi naman ng isa "Hindi ko maipapangako sa'yo na hindi ako magmamahal ng iba ha...Tao lang ako"
At may nagsabi pang "Mahal ko naman kayong dalawa e..."
Nakakaloka.

Hindi mo alam kung matutuwa ka ba dahil tapat sila o maiinis ka lang dahil proud pa sila sa kung ano ang pinapaniwalaan nila sa buhay pag ibig. Ipagmamalaki mo ba sa mundo na ang taong mahal mo ay sadyang mapagmahal dahil lahat na yata ng mababait at dyosa na nakilala nya ay mahal nya?

Sino ba ang pwedeng magsabi kung sino ang dapat mong mahalin... ang dapat nyang mahalin? at... at...at kung ilan ang pwede nyong mahalin?


Kasalanan mo ba kung mahuhulog ang loob mo sa taong may mahal ng iba at may nagmamahal na? Kasalanan bang magmahal ka ng iba habang may minamahal ka? 

Masisisi mo ba ang mga taong nagmamahalan? (Charing!)

Sino ka ba para mag sabing "isang malaking pagkakamali ang pagmamahalan nyo?"

No comments:

Post a Comment

Recently I Wrote about...

Search This Blog

Born to Rant

happy (34) Med life (29) hope (29) struggle (25) realization (24) bored (23) love (21) relationship (20) sad (20) friends (19) hate (19) pain (18) disappointment (17) pregnant (17) baby (16) empty (16) choice (15) lost (15) moving on (15) home (14) searching (14) plan (12) family (11) fear (11) fraternity (10) letter (10) tired (10) writing (10) Confuse (9) Failure (9) bum (9) freedom (9) frustration (9) missing you (9) work (9) blog (8) funny (8) letting go (8) prayer (8) time travel (8) travel (8) drawing (7) facebook (7) responsibility (7) silence (7) trust (7) unfaithful (7) Memory (6) Rain (6) belief (6) distracted (6) expectations (6) medicine (6) Lazy (5) Regret (5) U.P. Miag-ao (5) acceptance (5) becoming a doctor (5) crazy (5) food (5) Aklan (4) MD Mom (4) TOP TEN THINGS (4) alone (4) break-ups (4) destiny (4) misunderstood (4) success (4) truth (4) unfair (4) Gossip (3) birthday (3) coffee (3) dream (3) dreams (3) envy (3) mad (3) personality (3) pretend (3) promises (3) puzzle (3) regrets (3) 100 days to heaven (2) affair (2) annoyed (2) anotherday (2) christmas (2) contentment (2) death (2) forgiveness (2) friends zone (2) guilt (2) insomnia (2) laughter (2) lover (2) numb (2) phone calls (2) poem (2) positive (2) pursue (2) rant (2) Father's day (1) Leech (1) Mother (1) Vigan City (1) Working mom (1) age (1) breakfast (1) clerkship (1) color (1) driver (1) emoticon (1) friends with benefit (1) graduation (1) lesson (1) lie (1) make-up (1) monday madness (1) mondaymadness (1) monthsary (1) new year (1) office (1) pictorial (1) poker face (1) poor service (1) pressure (1) prophecy (1) puting elepante (1) rejection (1) ring (1) rubix cube (1) sacrifice (1) shopping (1) stay-at-home-mom (1) studio (1) summer (1) thanks (1) tide wave (1) yosi (1)