Sabihin na nating bored ako.
Bored na ngang maituturing ang isang taong walang ginawa maghapon kundi magsearch sa google ng "HOw to add emoticons to blogpost". Na-open ko na yata lahat ng blog tips at iisa lang ang sinasabi:
- First you need to download updated Firefox Web Browser.
- Next you need GreaseMonkey Extension for Firefox. After installing Firefox, install GreeseMonkey Extension.
- And the emoticons GreeseMonkey script. Finally install the script by left clicking.
- Now when you’ll be writing your blog post, you should be able to add emoticons by simply clicking on them. This only works in compose mode, not in text/html mode.
At may ibang site na nagsasabing
The last thing to do is to modify the CSS of your blog to prevent emoticons to have a border: just add at the end of your CSS:
img.emoticon { padding: 0; margin: 0; border: 0; }
*Tinanggal ko na ang mga links kaya sa totoong buhay hindi to makakatulong ang post ko na to sa ibang blogger na nagnanais ring magkaroon ng emoticon sa blog post nila*
Paulit ulit kong ginawa ito, Mahigit isang daang beses ko na yatang nadownload ang firefox 4.0, greasemonkey application at nagdagdag ng kung anu-anong script. Ilang beses na rin akong nag refresh, nag reboot, nag restart...
Umaga pa lang ang sabi sakin "blogger emoticons are ready to use" kaya umaga pa lang yamot na ako kasi wala naman akong nakikitang emoticons sa blogger editor.
Ilang beses na rin akong sumuko, natulog, binuksan ang TV, lumabas na lang ng kwarto para magpahangin... pero tao lang naman ako, gagawin at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makuha ko ang gusto ko
Mismo! bago natapos ang araw ko, isang blog post ang nabuksan ko at nagsabing kelangan palang naka set sa "old editor" at hindi sa "updated" version ang blog editor para magamit ang greasemonkey . Hindi naman ako masyadong nahirapan
Lam nyo yon, sakto lang sa maghapon para may mapagkaabalahan, Namaga lang yata ang pwet ko, sumakit lang likod at balakang ko sa kakaupo .
No comments:
Post a Comment