July 27, 2010

KAPATIRAN

Kapatiran nga lang pala to. Hindi nga pala 'to isang tunay na pamilya.

Pasensya na kayo, umasa ako at naghintay ng totoong kapatid sa inyo.

Ganito ako kapag mahalaga ang isang bagay sa'kin, Masasaktan ako sa pinakasimpleng paraan.

Masyado ko lang sigurong sineryoso ang salitang KAPATIRAN.

Kapatid... Kapatid... Kapatid... Kapatid... kapatid? Punong puno ng mga kapatid na walang pagpapahalaga sa kapwa nila kapatid. Ang sakit no, kasi may mga taong totoo na nadadamay.

Gustuhin ko mang magsalita, gustuhin  ko mang  maglabas ng sama ng loob...mahirap, kasi alam ko sa bandang huli ako pa rin ang lalabas na masama. Hindi ako perpekto wala akong karapatang magsalita.

Sana nga hindi na lang kita kapatid. Sana hindi nyo na lang ako naging kapatid. Mas naging madali siguro ang lahat para sa atin.

Pero pakinggan nyo ang dinadaing ko, sa una at sa huling pagkakataon:

Kung sarili mong kapatid ang hindi maniniwala sayo...
Kung sila mismo ang dahilan kung bakit ka nasasaktan...
Ayaw mo man paniwalaan meron dyan na hihila sayo pababa...
Handang gumawa ng hakbang para maging ibang tao ka...
Masakit man, pero may magbabanta sa mga pangarap mo sa buhay...
Kung kaya mong ipahamak ang sarili mong kapakanan para lang sa kanila...
hindi na tama di ba?

Sana ramdam nyo ang nararamdaman ko... nahihirapan ako. Hangad ko ang maliwanagan

Kung sana pwdeng pumili no? sana ikaw... ikaw lang ang brod ko, ikaw lang ang sis ko.

Dalawang tao ang pilit na nagbibigay sa akin ng sapat na rason para manatili sa kapatirang pilit kong pinagtatanggol, kapatirang walang sawang nagbigay sakin ng rason na dapat ay lumayo na ako noon pa man.

Ilang beses kong pinasawalang bahala ang mga nararamdaman kong sama ng loob noon...
Kung matatandaan nyo, minsan ko ng tinangkang kumalas sa samahan. Bumalik ako hindi dahil sa napilitan ako, bumalik ako kasi umasa ako na balang araw may mga brods at sis natin na magiging totoo din.
Nabigo ako, hanggang dito na lang. Ayoko na, nakakapagod.

Salamat sa lahat... di na ko magsasalita kung ano man nararamdaman ko. isusulat ko na lang siguro sa hangin. Balang araw malilimutan ko din ang lahat ng sama ng loob ko sa inyo...

at kung ano man ang nagawa kong kamalian, alam kung meron, hind ko man napapansin sa lahat ng oras...hindi man ako nagkaroon ng lakas ng loob upang lumapit para humingi ng tawad... hiniling ko sa maykapal ang kapatawaran nyo.

Mula sa oras na 'to...mag iiwanan ako dito mismo sa kinakatayuan ko ng ilang bagay na nakakabigat na sa'kin.
Mag-ingat tayong pareho...
Maligayang paglalakbay kapatid.

No comments:

Post a Comment

Search This Blog

Born to Rant

happy (34) Med life (29) hope (29) struggle (25) realization (24) bored (23) love (21) relationship (20) sad (20) friends (19) hate (19) pain (18) disappointment (17) pregnant (17) baby (16) empty (16) choice (15) lost (15) moving on (15) home (14) searching (14) plan (12) family (11) fear (11) fraternity (10) letter (10) tired (10) writing (10) Confuse (9) Failure (9) bum (9) freedom (9) frustration (9) missing you (9) work (9) blog (8) funny (8) letting go (8) prayer (8) time travel (8) travel (8) drawing (7) facebook (7) responsibility (7) silence (7) trust (7) unfaithful (7) Memory (6) Rain (6) belief (6) distracted (6) expectations (6) medicine (6) Lazy (5) Regret (5) U.P. Miag-ao (5) acceptance (5) becoming a doctor (5) crazy (5) food (5) Aklan (4) MD Mom (4) TOP TEN THINGS (4) alone (4) break-ups (4) destiny (4) misunderstood (4) success (4) truth (4) unfair (4) Gossip (3) birthday (3) coffee (3) dream (3) dreams (3) envy (3) mad (3) personality (3) pretend (3) promises (3) puzzle (3) regrets (3) 100 days to heaven (2) affair (2) annoyed (2) anotherday (2) christmas (2) contentment (2) death (2) forgiveness (2) friends zone (2) guilt (2) insomnia (2) laughter (2) lover (2) numb (2) phone calls (2) poem (2) positive (2) pursue (2) rant (2) Father's day (1) Leech (1) Mother (1) Vigan City (1) Working mom (1) age (1) breakfast (1) clerkship (1) color (1) driver (1) emoticon (1) friends with benefit (1) graduation (1) lesson (1) lie (1) make-up (1) monday madness (1) mondaymadness (1) monthsary (1) new year (1) office (1) pictorial (1) poker face (1) poor service (1) pressure (1) prophecy (1) puting elepante (1) rejection (1) ring (1) rubix cube (1) sacrifice (1) shopping (1) stay-at-home-mom (1) studio (1) summer (1) thanks (1) tide wave (1) yosi (1)